MGA
PAHIWATIG NI FPJ
Ni Pablo R. Libiran
Screenwriters’ Guild
of the Philippines
Sinasabi
ng marami, lalong-lalo na iyong nakakaalam
sa pagkausap ng kaluluwa o ng third eye
na kapag ang isang namatay ay may proyekto
o dili kaya’y may problema na hindi
nabigyan ng solusyon o kalutasan, ang
mga kaluluwa nito ay nananatili sa lupa.
At kung minsan ay nagpaparamdam sa kanilang
minamahal o sa mga taong may kinalaman
sa problemang kanilang naiwan.
Kung minsan, ang mga ito’y
nagpaparamdam sa pamamagitan ng pagdapyo
ng hangin o pagbagsak ng isang bagay sa
tahanan o kinaroroonan ng nagpaparamdam.
Gayong kung tutuusin ay wala namang hangin
na maaaring magpabagsak sa isang bagay.
Sa maraming pagkakataon,
nasubok na rin ng sumulat ng lathalaing
ito ang pagpaparamdam ng isang namayapa.
Bago namatay ang aking ama, nagkaroon
ng problema ang strainer sa aming banyo.
Sinabi ko iyon sa aking ama. At ang kanyang
tanging katugunan ay kukuha siya ng taong
gagawa niyon.
Subalit bago naipagawa iyon
ng aking ama ay inatake siya sa puso at
namatay. Kaya nang nakaburol na siya ay
hindi magamit ang aming comfort room na
nasa ibaba ng aming bahay. Mabuti na lamang
at mayroon kaming comfort room sa itaas.
Nang mailibing ang aming ama, kinagabihan
ay may nagpupukpok sa aming silong. Hindi
ako bumaba sa pag-aakalang sa kalapit-bahay
lamang namin iyon. Pero kinabukasan nang
umaga nagulat ako nang makita ko ang pagkawala
ng tubig sa sahig ng comfort room.
Ang nakita ko roon ay buhangin
na parang hinango sa ilalim o sa tubo
ng naturang strainer. Kaya naman binuhusan
ko iyon at laking pagkabigala ko na tuloy-tuloy
na bumaba ang tubig. Nawala ang bara sa
strainer. Kaya naman naisip ko na kahit
patay na ang aking ama ay tinupad pa rin
niya ang naiwang pangako.
Iyon din ang pakiramdam
ng reyna ng pelikulang Pilipino na si
Ms. Susan Roces, balo ng namayapang actor
na si Fernando Poe Jr. Hindi humihiwalay
sa kanya si Da King at lagi nay nakasubaybay
sa kanyang ginagawa.
“Talagang mahal na
mahal ni Manong Ronnie si Manay Inday,”
kwento ni Miss Dolor Guevarra. “Dahil
kahit sa panaginip ay nagpapakita ito
kay Ate. Sa panaginip din nagpahiwatig
si Kuya Ron na gusto niya ang television
series na John en Shirley
para kay Manay Inday,” ang dagdag
pa niya.
Nasaksihan ni Dolor na minsang
papunta si Manay Inday sa studio para
sa taping ng bagong TV series kasama si
Dolphy at Maricel Soriano, bigla dumating
ang gumagawa ng musuleo ni Kuya Ron at
isinoli kay Maay Inday ang larawan ni
Kuya Ron na pinagkopyahan nito. Ang ginawa
ni Manay Inday, ipinalagay niya ang larawang
iyon sa dashboard ng van. Nakatitig ang
larawan ng naka-ngiting FPJ kay Manay
Inday kaya naman naka-ngiting nasabi ni
Manay Inday ang ganito: “Aha, sasama
ka pala sa first taping day ko!”.
Nabanggit tuloy ni Miss
Dolor yung project na garden nila ni Manay
Inday. “Kahit ako, nanaginip ako
na sinasabi sa akin ni Kuya Ron na gusto
niya ang garden na inayos namin. Dahil
nagandahan si Kuya Ron ay nakangiti siya
sa aking panaginip. Natutuwa rin sigurado
siya dahil alam niyang nalilibang si anay
Inday ngayon dahil muli na naman itong
aktibo sa telebisyon.”
Ayon pa rin sa ilang malalapit
na kaibigan ni Susan, kapag nakikita nilang
malungkot ito ay kumukuha siya ng mga
video tapes ng pelikula ni FPJ at pagkaraan
ay pinapanood niya iyon. Kapag nakita
niyang maganda ang eksena ay napapangiti
siya lalo’t sa mga pelikulang iyon
ay buhay na buhay ang hari ng aksiyon.
At hindi lamang sa mga video
tapes mapapanood ang mga pelikila ni FPJ.
Maging sa telebisyon ay laging itinatanghal
ang kanyang mga pelikula.
“Sayang at napakabata
ni FPJ nang mamatay,” ang pahayag
ni Director Pablo Vergara na may ilang
ulit ding naging director ni FPJ sa pelikula.
“Dapat ay marami pa siyang nagawang
pelikula dahil maraming taong umasa sa
kanya noon. Gumagawa na nga lang na pelikula
si Da King para matulungan at magka-trabaho
ang mga taong yon. Kaya naman gayon na
lang ang panlulumo ng marami nating kababayan
nang mamatay siya”
“Walang nang makakatulad
pa kay FPJ. Nag-iisa lang siya sa trono
sa pagiging hari ng pelikulang Pilipino.
Maging sa puso ng mga taong natulungan
niya ay tiyak na hindi na nila malilimutan
ang panahon nung nakilala at nakapaglingkod
sila kay FPJ. Dahil nga lagging natutugunan
ng tulong ang paglilingkod at pagta-trabaho
nlang yon,” pagwawakas ni Director
Pablo Vergara.
Samantala, ang John
En Shirley, ang pinakabagong
comedy series ABS-CBN Channel 2, ay pangungunahan
ng comedy king na si Dolphy at Susan Roces.
Makakasama rin nila rito sina Maricel
Soriano, si Vandolph at ang iba pang ka-anak
ni Dolphy. Ito’y mapapanood tuwing
sabado, pagkatapos ng Komiks.
Kaya abangan ang maganda at puno na katatawanan
ng seryeng ito sa telebisyon.