NAGBAGO
NA SI CLAUDINE BARRETTO
Ni Pablo Reyna Libiran
Screenwriters’ Guild of the Philippines
Marami
ang nakapanood ng pelikulang Sukob
na pinagtambalan nina Claudine Barretto
at Kris Aquino mula sa direksyoh ni Chito
Roño. Na ayon sa pinakahuling resulta
sa takilya, sinasabing ito ay naging box
office hit. At dahil dito, binigyan tuloy
ng malaking bonus sina Kris at Claudine.
Pero ano nga ba ang sikreto
ng tagumpay ng pelikulang Sukob
at ito’y naging box-office hit?
Super-ganda ba ang istorya kung kaya nangyari
ito o dili kaya’y ito ba ang kauna-unahang
pelikula na pinagsamahan nilang dalawa
ni Kris at pinag-kumpara ng mga moviegoer
ang mga kakayahan nila?
Sabi nga ng mga nakapanood,
parang hindi naman kapani-paniwala iyong
komo mag-kapatid sina Kris at Claudine
(hindi alam ni Kris na si Claudine ay
anak ng tatay niyang si Ronaldo Valdez
sa ibang babae) at nagkataon na magkasukob
sila ng taon nang ikasal. Na dahil duon,
isang sumpa ang naganap at ang mga abay
nila at mga ninong at ninang ay pawang
namatay.
May isang babae na gumawa
pa ng paraan para ma-aksidente ang mga
naging asawa nina Claudine at Kris. At
bigla na lamang nawawala ang mga bangkay
ng mga ito at hindi na nakikita pa ng
mga nag-iimbestigang pulis. Sabi nga ng
mga kritiko ay mabibihirang nagkakatutuo
ang pamahiing ito sa tunay na buhay.
Subali’t dahil ito
nga ay mula sa imahinasyon ng isang batikang
director na talaga namang marami na ring
pinatunayan na naging box office hit ang
mga pelikulang i-dinirihe niya, lalo’t
ang mga ito’y may temang katatakutan.
Sabi nga’y parang nahuhuli ni Direktor
Chito Roño ang kiliti ng mga manonood
ng pelikulang Pilipino.
“Subali’t bukod
kay Direktor Roño, ang isa pa sa
mga hinangaan at naging usap-usapan ng
mga tao ay ang malaking pagbabago ni Claudine
Barretto, lalo’t kung pag-arte ang
pag-uusapan. Kuhang-kuha niya ang arte
ng isang kinakabahan at natatakot sa maaaring
mangyari at kasapitan ng mga karakter.
Talagang nakikipagsabayan siya ng husay
sa pag-arte ni Kris Aquino.
Kunsabagay, hindi lang naman
sa pelikulang iyon nakita ang mahusay
na pagganap ni Claudine. Mula sa mga pa-sweet-sweet
role niya noong panahon na nakakatambal
niya si Mark Anthony Fernandez ay naiwanan
niya ang image na iyon at napalitan iyon
ng image ng full-pledged actress.
Sa pelikulang Milan
ay pinatunayan niya ang husay
niya sa pagganap nang mapagwagian niya
ang award sa dalawang kinikilalang award-giving
body—ang FAMAS at ang Luna Award
ng Film Academy of the Philippines. Hinangaan
din ang kanyang kahusayan sa peliklang
Nasaan Ka Man at Dubai.
Kahit sa mga television
series na ginampanan noon ni Claudine
ay talagang sinusubaybayan siya at sinasabing
may malaking hinaharap siya sa larangan
ng pag-arte. Sabi nga ng isang kaibigan
naming reporter, malaki ang nagawa ni
Direktor Wen Deramas sa ikinahusay ng
pag-arte ni Claudine.
“Nagkasama sila ni
Claudine sa television series na Marina.
Duo’y hinubog ni Wen ang nakita
niyang pag-arte ni Claudine. Naipamalas
ni Claudine ang husay sa pag-arte sa mga
water scene na ginawa nila sa Marina.
“Marami pang pelikulang
gagampanan si Claudine at marami pang
award siyang tatanggapin, lalo’t
paghuhusayan niya ang pagganap sa bawat
role na ibibigay sa kanya. Para siyang
si Vilma Santos noon na talagang may sincerity
sa bawat pag-arte. Lagi siyang nag-uukol
ng konsentrasyon para maging magdanda
ang pag-arte niya,” ang sabi pa
ng kritikong yon .
Kung ikukumpara sa ibang
aktres, si Claudine ay hindi gumagawa
ng intriga para pag-usapan ng mga reporter.
Pinag-uusapan siya ngayon dahil sa husay
ng kanyang pagganap at sa mga magagandang
role na ibinibigay sa kanya ng kanyang
mother studio.
“Kaya naman po nagpapasalamat
ako kay Mam Charo Santos sa mga pagtitiwalang
ipinagkakaloob niya sa akin. Magaganda
ang mga movie project na ina-assign niya
sa akin. Kaya naman pinagbubutihan kong
maigi dahil ayaw ko pong masayang ang
pagtitiwalang yon,” ang naipahayag
pa ni Claudine.
“At siyempre pa, sa
mga tagumpay kong ito ay laging kasama
ko ang aking inspirasyon. Ang aking kabiyak
na talaga namang inuunawa niya ako at
lagi na’y binibigyan niya ng suporta
ang mga roile na ipinagkakaloob sa akin.
Hindi niya pinasasama ang aking loob kung
kaya bawat pagganap ko ay nakakapag-concentrate
ako,” ang pagwawakas na pahayag
pa ni Claudine Barretto sa amin.