HEADLINE ARTICLES
Publication Date: 09-15-2006
 
   
 
 
 
 

PIOLO PASCUAL: BIKTIMA NG MARAMING INTRIGA
Ni Pablo R. Libiran



Marami ang nagtataka kung bakit lagi na lang nabibiktima ng intriga ang matinee idol na si Piolo Pascual. Unang-una na si Richard Gomez na nagsabing “bading” si Piolo. At kamakailan lang ay sinabi naman ng isa ring kilalang actress ang tungkol sa “amoy“. Na hindi namin alam kung bad breath o “if its you they’re talking about”.

Sa madaling sabi ang mga negatibong komento ay tiyak na makakasira kay Piolo at maging sa mga avid fan niya. Gayong kung tutuusin ay napabalita rin na may anak si Piolo sa isang babaeng hindi taga-showbiz.

Pero bakit nga ba lumalabas ang ganitong mga intriga? Gayong kung tutuusin wala namang napabalitang nakakagalit o nakaka-away ang naturang actor. Sabi nga ng mga malalapit nyang kakilala, halos hindi na nga naglalalabas ng bahay si Piolo, maliban na lamang kung nagkakayayaan ang malalapit niyang mga kaibigan.

May mga nagssasabi naman sa amin na maaaring na-iintriga ang naninira sa kanya dahil maraming pelikula at television showss si Piolo. Maging ang television drama na pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos na Ikaw Lamang ay talaga namang sinusubaybayan ng maraming televiewers.

At marahil din sa sinabi ng mga nagtatangol kay Piolo na marami itong dinadaig lalo pa’t pag-arte ang pag-uusapan. May ilang ulit na siyang nanalo bilang best actor sa FAMAS. Una’y sa Dekada 70 at ang pangalawa naman ay sa pelikulang Milan na pinagtambalan nila ni Claudine Barretto na nagwagi ng Best Actress. Gayon din sa Luna Awards. Best Supporting Actor siya noong 2002 sa pelikulang Dekada 70.

Marami nga ang nai-ingit at nai-insecure kay Piolo dahil kabago-bago pa lang niya ay marami na siyang pinataob ng artista kung pag-arte rin lang ang pag-uusapan. Sabi nga ng iba, malalim ang pag-ganap ni Piolo. Napapa-iyak niya ang mga manonood.

Bukod sa husay niya sa pag-arte, isa rin siya sa favorite product endorser. Kagaya sa Max’s Fried Chicken at San Mig Coffee. Ang larawan niya ay makikita sahit saan-- nakahubad siya at nag-aanyaya mag-kape.

Ang isa pa ay bawat pelikulang gampanan nya bilang leading man ay nagki-click sa takilya. At kahit sino pa ang itambal ay pinapanood pa rin ng moviegoers. Kaya naman kahit mahirap ang nai-assign na papel o karakter ay ginagampanan niya nang buong husay.

Pero sabi nga ng maraming tagasubaybay ni Piolo, mas maganda kung si Judy Ann ang katambal niya. Talagang bigay na bigay ang pag-arte ni Piolo. Maging iyon television series o dili kaya ay pelikula makikita mo ang inspiradong pagganap ni Piolo.

Kaugnayan nito ay humingi rin ng apology si Richard Gomez kay Piolo sa pamamagitan ng program nila sa telebisyon. At sinasabi rin niya na kaya lamang niya nagawang ikumpara niya si Piolo kay EricQuizon na hanggang ngayon ay binata pa rin. Na kahit maraming nagkakagusto sa kanya ay hindi napapabalita na nakaroon ng girlfriend.

Sa kabilang dako, kahit noong sabihin ni Goma ang paninirang iyon ay hindi nagbigay ng reaction o hindi man lang kinakitaan ng galit. Nagsawalang kibo lang ito at pinabayaan ang mga taong walang sawang naninira sa kanya. Subalit dahil maraming nakakilala sa tunay na pagkatao ni Piolo, marami ang nagtatangol sa kanya sa mata ng kritiko at pintasero.

Sabi nga ng isa naming kakilalang kolumnista sa dyaryo: “… talagang napakabait niyang si Piolo. Ang tawag niya sa akin ay “Nanay” kahit hindi ko naman siya tunay na anak, pero talagang napupuri ko ang ugali niya. Kahit sumikat na siya at malayo na ang naabot ay nanatili pa ring humble at hindi ipinagyayabang ang nakamit niya.”

“Kamakailan nga ay nagpadala siya sa akin ng pumpon ng bulaklak, bagamat ang totoo’y hindi ako mahilig sa bulaklak, pero tinanggap ko iyon. Makahulugan ang nakasulat sa card na kalakip ng mga bulaklak na iyon. “Words are not enough to describe my deepest gratitude for all that you’ve done for me. Thank God for a Nanay like you. I may not be as vocal or as expressive, but God knows how much I truly value your love & concern. I love you very much, Nanay.”

“Maikli lang ang sulat na iyon na ipinadala niya sa amin, pero naging makahulugan noon. Hindi rin ang literal na bulaklak kung hindi ang pagmamahal na kakambal nun ang itinatago naming sa aming puso nang habang-panahon.” Ang pahayag ng aming kaibigan.

Ang pahayag ng kaibigan naming ito ay ilan lamang sa nagtatanggol at naniniwala sa kakayahan at tunay na pagkatao ni Piolo. Na kung sa sandaling sisiraan ang kanilang kaibgan ay patuloy na magtatanggol at makikipaglaban para ibangon ang puring winawasak. At ayon sa kasabihan “Pag mabunga pinupukol”.

 

 

Data Code: 091506 | Volume 87. Article 4
 
 
 
 
 
     
 
 
     
Copyright © 2004 by Film Academy of the Philippines (FAP). All Rights Reserved.
Designed and Powered by Rougarai System Technologies | www.rougarai.com