b
   
 
 
 
HEADLINE ARTICLES
Publication Date: 09-22-2006
 
   
 
 
 
 

SPECIAL AWARDS FOR SPECIAL ACHIEVERS


During the 24th Luna Awards night last Saturday, September 16, the Film Academy of the Philippines bestowed the FPJ Lifetime Achievement Award to Sen. Ramon Revilla Sr. and Pablo S. Gomez. Posthumous awards were also given to composer George M. Canseco and actress Nida Blanca.

Scriptwriter and komiks novelist Pablo Gomez personally received his FPJ lifetime achievement trophy while the senator’s three children and daughter-in-law—Sen. Ramon Bong Revilla Jr., wife Lani and sisters Rowena and Andrea—received the award in behalf of the senator who, however, sent a heartfelt message to the academy and its members.

Actress Caridad Sanchez received the posthumous award for Nida Blanca while Snafu Rigor received George canseco’s posthumous award.

The citations for the four awardees are as follows::

For Pablo S. Gomez :

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES ay buong karangalang iginagawad ang FERNANDO POE JR. LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD kay PABLO SALONGA GOMEZ
dahil sa kanyang malinis na layunin na maitaas ang antas ng pagkilala sa mga manunulat sa industriya ng pinilakang tabing. At sa pagpupunyagi niyang mapagka-isa ang mga manunulat para maka-balangkas ng mga magagandang adhikain sa ilalim ng pamamatnugot ng Film Academy of the Philippines;

Dahil sa pagiging tagapaglathala niya ng mga komiks at magasin, pagiging director at pagtuklas niya ng mga bituin na nakilala at naging matagumpay sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang mga nobela niya ay patuloy na sinusubaybayan sa mga komiks, sa pelikula at maging sa telebisyon magpahanggang ngayon;

Dahil din sa walang sawa niyang pagtuturo at pamamatnubay sa mga kabataan sa iba’t-ibang paaralan at unibersidad. At pagbibigay-tulong at sigla sa mga kawal Pilipino at maging sa mga bilanggo sa pakikipagtulungan sa Philippine National Red Cross;

Dahil ang mga nobela at katha niya na naging produkto ng kanyang imahinasyon ay nakapag-palaganap ng Wikang Pilipino sa apat na sulok ng ating bansa. Ang mahigit na limang dekada niyang paglilingkod ay isang matibay na batayan na karapat-dapat siyang pagkalooban ng parangal na PANG-HABANGBUHAY NA PANANAGUMPAY.

Ito’y ipinagkaka-loob ngayong ika-16 ng Setyembre, taong 2006, sa PAGCOR Grand Theater, Casino Pilipino, Parañaque City, Metro Manila.

For Senador Ramon Revilla Jr.:

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES ay buong karangalang iginagawad ang FERNANDO POE JR. LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD kay SENADOR RAMON REVILLA SR.
dahil sa hindi mapapasubaliang maraming dekada sa industriya ng pelikulang Pilipino kung saan ang kanyang mga pelikulang ginawa ay labis na nakapag-bigay-aliw sa mga mamamayang tumatangkilik sa mga pelikulang local.

Hindi lang siya nakapag-bigay ng aliw at hanapbuhay nang itatag niya ang Imus Productions para sa mga manggagawa sa pelikula. Nagawa rin niya sa industriya na pasiglahin ang uri ng pelikulang aksyon na tumatalakay sa buhay ng mga bayaning napa-bantog sa kanilang anting-anting na nagbigay daan sa ibang mga talento na makilala sa larangang ito.

At dahil sa kanyang katapatan sa kanyang propesyon, naging bahagi siya at ang kanyang mga pelikula sa pang-araw-araw na buhay ng pamilyang Pilipino. Pinatunayan ito ng mga mamamayang Pilipino na pinagkatiwalaan siyang iluklok bilang senador ng Pilipinas.

At dahil nasa puso pa rin niya ang kaunlaran ng pelikulang local, isa sa mga batas na nilikha niya bilang senador ay ang pagtatatag ng Film Development Council of the Philippines na ngayon ay nagpupursigi para sa ikauunlad ng pelikulang Pilipino bilang isang matatag na bahagi ng ating kultura.

Ito’y ipinagkaka-loob ngayong ika-16 ng Setyembre, taong 2006, sa PAGCOR Grand Theater, Casino Filipino, Parañaque City, Metro Manila.

For George M. Canseco:

The FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES, through its board of governors, and in recognition of his immeasurable contribution to Philippine music as well as his almost unending list of classic and unforgettable movie theme songs and scores, which were instrumental in developing and enhancing our national culture, coupled with outstanding stint as a local government official in Metro Manila, hereby bestows this POSTHUMOUS AWARD on GEORGE MASANGKAY CANSECO. Given this 16th day of September, the year of our Lord 2006, at the PAGCOR grand Theater, Casino Filipino, Parañaque City, Metro Manila.


For Nida Blanca:

The FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES, through its board of governors, and in recognition of her immeasurable contributions to local films where she was an active participant in the two golden ages of Philippine cinema during the 1950s and the 1970s beginning as a part of her durable love team with Nestor de Villa, as a member of the longest running TV sitcom John en Marsha and capping her work as an actress by garnering awards for heartfelt and phenomenal performances in her latter films, hereby bestows this POSTHUMOUS AWARD on NIDA BLANCA. Given this 16th day of September, the year of our Lord 2006, at the PAGCOR Grand Theater, Casino Filipino, Parañaque City, Metro Manila.



 

Data Code: 092206 | Volume 88. Article 2
 
 
 
 
     
 
 
     
Copyright © 2004 by Film Academy of the Philippines (FAP). All Rights Reserved