DIANA ZUBIRI: ANG
PAGBABAGO
Ni Julie Ann G. Nuñez
Sino ba ang
mag-aakala na ang isang simpleng babae
na madalas kong makasalubong along the
aisle of our school ay magiging isang
sikat na artista ngayon? Hindi lang sikat
kundi isa na sa ipinagmamalaki ng Philippine
showbiz. Rosemary Joy Garcia
in real life at kilala natin bilang Diana
Zubiri sa showbiz. She was born
in Bulacan and grew up in Olongapo City.
Isa sa miyembro ng Iglesia ni Cristo but
she became a Roman Catholic during her
early years in showbiz.
Gaya ng ibang babae na nangangarap
sumikat, sinubukan niyang mag- audition
sa ABS-CBN Talent Center but
was rejected three times. Pero saan nga
ba o paano nga ba na discover ang isang
Diana Zubiri?
She was discovered habang
nag-aaplay papuntang Japan. But she chose
to stay and started to accept sexy movies
sa Seiko Films at the
age of 15. Bakit nga ba hindi mapapansin
ang isang tulad ni Diana, even without
make-up ay maganda sya. Dati pa man ay
may maipagmamalaki na si Diana kung physical
appearance lang ang pag-uusapan. Kahit
noong 4th year high school kami marami
ang nagpapakita ng admiration sa kanya.
Siya yung tipo ng babae na magse-second
look pa ang mga guys. Simple beauty with
great body. Likas sa kanya ang pagiging
flawless. Kaya naman nang mabalitaan ko
na nagsisimula na siyang mag-artista ay
hindi na ako nagtaka.
Her career started to bloom
after her October 29, 2002 FHM photo shoot
in a two-piece bikini for FHM
Philippines on top of EDSA-Shaw
flyover in Mandaluyong City.
Hindi naman sana mapag-uusapan kung hindi
nag-react si Mandaluyong City
Mayor Benjamin Abalos at nag-file
ng charges of grave scandal against FHM
Philippines at maging kay Diana. But he
later withdrew it after Diana and Jojo
Gabinete, Diana’s manager,
apologized. The photo-shoot was for the
FHM 2003 calendar, which featured Diana
along with other sexy actresses Maui
Taylor and Aubrey Miles as calendar
girls. Hindi lang sa Philippine FHM magazine
siya na feature maging sa Indonesian,
Singaporean, Thai and US editions
ng nasabing magazine.
After ng intriga isang palabang
Diana Zubiri ang nakilala. She started
doing sexy films noong year 2002. Dalawa
sa direction ni Francis ‘Jun’
Posadas, ang Itlog
kung saan ay binayaran siya ng P50,000
for her first major movie at ang Bakat.
Dahil doon ay sunod sunod
na movie na ang ginawa ni Diana. Ilan
dito ay ang Kasiping
under the direction of Augusto
Salvador, Liberated
noong 2003 at Liberated 2 noong
2004 under the direction of Mac
Alejandre, Bikini Open
under the direction of Jeffrey
Jeturian at ang pinaka latest
ay ang I Wanna be Happy
under the direction of Jose Javier
Reyes.
Hindi lang sa movie namayagpag
si Diana maging sa local shows ay makikita
rin natin siya. She became a GMA
Network artist, at naging regular
guest performer ng Eat Bulaga
noong 2003 hanggang 2004.
Aba’y hindi lang pagpapasexy
ang kaya ni Diana, maging ang pagpapatawa
ay pinasok rin nya. Naging regular cast
siya ng Bubble Gang.
Nagpakitang gilas rin siya sa Encantadia,
Etheria: Ang ikalimang kaharian
ng Encantadia at Encantadia:
Pag-ibig Hanggang Wakas as Danaya,
the diwata who holds the Jewel of the
Earth. Hindi nagtagal ay naging reyna
rin ng Lerio. Bumagay kay Diana ang role
bilang Danaya. We can see in her emotions
kung ano mang damdamin ang nais niyang
iparating sa mga tele-viewers.
There’s something
in her, siguro yung personality nya as
Diana at Danaya ay hindi naglalayo. Pero
sino ba ang mag aakala na ang isang matapang
na Danaya ay hydrophobic pala. I found
it out when I watched her in ANG
PAGBABAGO, a Philippine drama
reality TV aired every weekday afternoons
on GMA Network together with Alfred
Vargas as her co-host.
According to her, noong
nasa Subic pa siya at nag-practice siya
to swim ay kamuntik na siyang nalunod.
And that’s the start, according
to her naiingit siya whenever she sees
these people na marunong lumangoy. Makikita
mo na hindi lang drama ang takot na nararamdaman
niya on her 1st swimming lesson. I can
see that she’s eager to learn and
conquer her fear. Talaga namang tinutukan
ko ang episode na iyon. I want to see
kung ma-overcome nya ang fear nya.
Sa kasamaang palad ay hind
ko natapos dahil the following day pa
pala ang tapos ng episode na iyon. Hindi
ko man nakita ang tagumpay ni Diana I
know she tried. Sa ngayon ay super busy
si Diana lalo pa’t nadagdagan ang
kanyang regular show. Kasama siya ngayon
sa Now and Forever: Linlang.
Kung saan makakasama niya sina Lorna
Tolentino at Rudy Fernandez.
Malaki ang gagampanang role
ni Diana sa teleseryeng ito where in she
will portray two characters. Mapapanood
ito from Monday to Friday at 3:30
p.m. on GMA.
Reminiscing the day when
I first saw her, ibang-iba na sa Diana
ngayon. She became famous in so short
a time. And yet she stayed humble and
simple. She admitted naman na she accepted
sexy roles as her first step pero hindi
lang katawan ang naging puhunan niya.
Dahil dito ay nahasa naman ang galing
niya sa pag arte.
Nakilala man bilang
“fly-over queen” at
Danaya ay isa na siya sa ipinagmamalaking
actress ng henerasyon. She proved to us
na kaya na niyang makipagsabayan hindi
lang sa pagpapa-sexy kundi maging sa drama
at comedy sa mga bigating artista. Diana
truly changed from a sexy nymphet to a
versatile star.