HEADLINE ARTICLES
Publication Date: 11-23-2006
 
   
 
 
 
 

SINONG PATAAS, SINONG PABABA?
By Tess Clarin



Ang buhay ng artista ay hindi maiko-compare sa gulong na kung minsan ay nasa itaas at kung minsan ay nasa ibaba. Oftentimes, ang buhay ng artista ay once lang sa pagsikat at bihirang mangyari na mabigyan ng ilang pagkakataon pa. Kaya sa pagkalaos ng artista ay hindi na dapat asahan ang muling pagsikat niya.

Sabi nga, there’s an exception to the rule at isa na rito si Snooky. Nagsimula siya bilang child actress at a young age of four. Noticeable ang kanyang maikling papel sa Wanted: Perfect Mother na ang lead stars ay sina Boots Anson Roa at Dante Rivero. Gina Alajar was also in that movie pero markado ang papel ni Snooky, yun ang reason kung bakit bigla siyang sumikat.

Sunod-sunod ang movies ni Snooky after Wanted: Perfect Mother. Si Niño Mulach lang yata ang tumalo sa kanyang record bilang pinakasikat na batang artista during their time. Sa growing up stage ng mga child stars ay nawawalan sila ng magandang role. Usually ito ang reason kung bakit sila nawawala sa eksena. Pero iba ang kaso ni Snooky dahil madali siyang nakabalik sa eksena. Naging bida pa ulit siya sa movie na Katorse kasama si Dina Bonnevie at Maricel Soriano.

Kaya lang lately ay obvious na ang paglubog ni Snooky. Maraming reasons according to reports. Kesyo si Snooky daw ay may attitude problem kaya laging late sa shooting. Kesyo nakakagulo raw ang lovelife niya. Ano man ang totoo, palagay namin ay hindi na magiging sikat ulit si Snooky.

Si Irma Adlawan ay umaarangkada ngayon lalo na sa mga digital films. Nahasa si Irma sa stage play ng PETA kaya respected ang acting skills niya. Pero ano ba ang mukha ni Irma? Sa tingin namin ay wala siyang x factor. Ang x factor ang tawag sa isang hindi maipaliwanag na quality ng isang tao. Kaya kahit papataas ang career ni Irma ngayon ay malamang na hindi niya maabot ang standard level of popularity ng ating mga artista. In other words, hanggang supporting role lang siya kahit sabihin pang naging bida na siya sa mga digital films. Wala siyang kinaibahan kay Cherry Pie Picache, di ba?

Si Iwa Moto ay baguhan na mabilis ang pagtaas ng popularity dahil sa pagkakapanalo niya sa Starstruck 3. Kelan lang ay naka-experience ng suspension si Iwa ng kanilang network dahil sa kanyang pagiging pasaway. Matigas pala ang ulo ng batang singkit. Ganun din ang kasama niyang si Jackie Rice (na siyang grand winner ng Starstruck 3), pasaway din na tulad ni Iwa.

But despite the negative review laban kay Iwa ay magtutuloy pa rin ang pag-akyat ng kasikatan niya. Ang dahilan? May charisma si Iwa na hindi mo makikita kay Jackie Rice. Kahit sabihing mas maganda si Jackie kaysa kay Iwa ay marami na ang nakakapansin ng pagiging unique personality ni Iwa. But even then dapat na magbago si Iwa ng kanyang masamang ugali dahil hindi siya magtatagal sa showbiz kung mananatili siyang pasaway.
Sana ay tingnan ni Iwa ang nangyari kay Sandara Park. Bukod sa pumatok ang love team nila ni Hero Angeles ay walang attitude problem si Sandara. At fault na rin ni Sandara ang biglang pag-alis patungong Korea for personal reasons daw. At pagbalik niya ay waning glory pala ang kanyang dadatnan. Sa ngayon ay nagpipilit pa ring makabalik si Sandara sa iniwan niyang trono pero mahihirapan na siya dahil sa dami ng nagsusulputang mga baguhan.

Si Aiza Seguerra ay nag-start bilang contestant ng Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Kahit hindi siya ang naging winner ay natipuhan naman siya nina Tito, Vic & Joey. Nag-click si Aiza sa Eat Bulaga at iyun ang reason kung bakit napasok niya ang movies nang walang kahirap-hirap. Sa maraming pelikulang pinagbidahan ni Aiza, na halos lahat ay comedy, hindi iisipin na malalaos din siya. Pero talagang sa pagdaan ng panahon ay nag-iiba ang ikot ng gulong ng buhay. Tulad ni Snooky, Niño at iba pang child stars, naglaho rin si Aiza sa eksena pagdating niya ng adolescent age.

Sa tulong ni Vic Sotto ay ibinangon ang bandera ni Aiza. But this time ay singer na siya. Sa minsang pakanta-kanta niya sa Eat Bulaga ay napasok niya ang daigdig ng recording. Totoong phenomenal ang pagsikat ng kanta niyang Sa Pagdating Ng Panahon. But it really didn’t last long kasi marami naman ang bagong kanta kaya darating talaga ang panahon na matatabunan ang kanta ni Aiza. Maaaring magtagal ang singing career ni Aiza pero ang mga singing idols ay tulad rin ng mga movie stars. Importante ang image at sa image ni Aiza na isang tomboy ay talagang wala siguro siyang paglalagyan.

Sa mga bagong comedian ay si Bearwin ang masasabing walang x factor. Naging bida na siya sa Hari Ng Sablay pero mukhang sumablay siya talaga. Mas bagay kay Bearwin ang role ng sidekick gaya ni Dencio Padilla noong araw. In short, hanggang supporting role na lang si Bearwin. Pero may pag-asa pa rin naman siyang sumikat nang husto kung sakaling mag-iba ang panlasa ng mga movie viewers.

Kung matatandaan noong araw, si Ramon Revilla ay pang-supporting role lang. Hindi ako sure kung naging bida siya dati. Pero sa comeback movie niya na action films at mga true-to-life stories ay nag-click ang image ni Ramon hanggang abutin niya ang panahon na siya ang pinakasikat na action star. Kung tutuusin ay hindi nalaos si Ramon Revilla. Inagaw lang siya ng pulitika nang siya ay maging senador. At ngayon naman ay inagaw na siya ng panahon dahil sa kanyang age.

Sa mga babae, nangunguna si Susan Roces sa pinakasikat na artista noong araw. Huminto siya sa pag-aartista nang maging asawa siya ni Da King FPJ. Pero paminsan-minsan ay may movie pa rin si Susan dati. In the new millennium, may mga TV guestings si Susan na mga drama roles. Ilang beses na pina-replay ng network ang episode na yun dahil daw sa popular request. It is a clear indication na sikat pa rin talaga si Susan Roces. Ang John En Shirley na todo bongga ang promotion ay nag-hit ng mataas na rating sa mga unang episodes. Hindi man sabihin ay tiyak na si Susan ang pinanood ng mga TV viewers doon. Kaya nga lang, lately ay bumabagsak na ang ratings ng John En Shirley pero hindi dahil kay Susan kundi dahil sa corny na raw ang script.

Isa pang beterana sa movies natin si Gloria Romero. Sumikat siya noong araw bilang ka-love team ni Luis Gonzales at ni Juancho Gutierrez na naging asawa niya. Halos hindi nawala sa eksena si Gloria. Mula sa pagiging bida ay bumaba siya sa supporting role pero na-maintain ni Gloria ang status niya.

Namalagi si Gloria sa mga TV shows lalo na sa Palibhasa Lalake kung saan kasama niya sina Richard Gomez at Joey Marquez. Click ang papel ni Gloria doon kaya walang puwedeng magsabi na supporting role lang siya. Sa movie na Tanging Yaman, si Gloria ang lumalabas na pinaka-bida o title role. Marami pang mga movies ang nilabasan ni Gloria Romero na kung titingnan ay walang ibang puwedeng gumanap ng role kundi siya. Gaya sa Magnifico, sapul na sapul niya ang character ng lola na isang ulyanin. Siguro hanggang kaya ni Gloria Romero ang humarap sa camera ay mananatili ang kanyang mataas na status sa showbiz.

Kapansin-pansin ang pagiging paborito ni Jay Manalo bilang bida ng mga movies sa Viva. Matagal ang paghihintay ni Jay although naging bida na siya dati sa Totoy Mola. Kaya nga lang, nakakalungkot ang balita na nahihilig sa casino si Jay Manalo. Sana ay hindi yun maging reason ng kanyang pagkalaos. Kung tutuusin ay natabunan na yata ni Jay Manalo si Christopher De Leon.

Marami ang artista na biglang sikat at biglang lubog. Marami rin ang biglang sikat at nagtagal. Marami rin ang dahilan ng kanilang pagsikat at marami rin ang dahilan ng kanilang paglubog. Kaya sana ay maging maingat ang mga artistang papataas dahil baka magulat sila sa kanilang biglang pagbaba.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.


 

Data Code: 112306 | Volume 97. Article 3
 
 
 
 
 
     
 
 
     
Copyright © 2004 by Film Academy of the Philippines (FAP). All Rights Reserved