ANGHEL
SA INTERNET
Ni Tess Clarin
Courtesy ng website
na www.youtube.com ang pagsambulat
ng pangalan ni Alyssa Alano, ang makabagong
Boba ng Bayan sa
kanyang pamali-maling English. Ang
video na kuha sa That’s
Entertainment ni Kuya Germs
na nailathala sa nasabing website
ay ang pagkanta ni Alyssa ng Kiss
Me na kakaibang letra ang lumalabas
sa kanyang bibig.
Napansin ito ng ilang
internet users at dahil nakakatuwa
at cute naman si Alyssa kaya kumalat.
Kung baga sa TV ratings ay pumatok
ang internet video ni Alyssa na humakot
ng 28,000 viewers sa loob lamang ng
isang linggo. Ang nasabing viewers
ng video ay mga nagtiyagang mag-download
ng ilang minuto o minsan ay inaabot
pa ng isang oras.
Ngunit ang kinang ni
Alyssa ay biglang nasapawan ng isyu
ni Angelica Panganiban. Nagsimula
sa pagiging child star, ang maamong
mukha ni Angelica ay nagsilbing hagdanan
niya patungo sa tagumpay. Ilang beses
nang naging bida si Angelica at ilan
na rin ang kanyang naging ka-love
team.
Recently ay pumutok
ang pangalan ni Angelica sa internet.
Naglipana sa mga forum boards at mga
emails ang kanyang larawan na gagawing
pin-up ng kalendaryo ng isang sikat
na alak. Halos lahat ng mga nagpadala
ng nasabing litrato sa inbox ko ay
tanging paghanga ang sinasabi. Totoo
naman na napakaganda ng mukha ni Angelica
at napakaganda rin ng hubog ng kanyang
katawan.

Angelica
Panganiban’s pin-up poses for
the GSM (Ginebra San Miguel) calendar.
Maraming emails ang
nagsasabi na kukulangin ang isang
milyong kopya ng nasabing kalendaryo.
Malamang ay kulangin din ang mga paninda
nilang alak dahil bukod sa Holiday
season ay gustong makita ng mga tao
ang katawan ni Angelica. Hindi malaswa
at in fact very artistic ang pagkakakuha.
Ngunit hindi nagtagal
ay muling umapaw ang inbox ko. Hindi
ko agad napansin na iba na palang
mga litrato ni Angelica ang attachment.
Ganun din sa chat rooms at forum boards
na pinupuntahan ko, puro si Angelica
ang subject matter. Nang buklatin
ko ang mga bagong attachment ng emails
ay nagulat ako. Bukod sa dati nang
ipinadala nila ay may second set of
pictures na kakaiba. Mga litratong
kunyari ay kuha bago gawin ang pictorial
na para bang stolen shots ang dating.
Pero kung titingnang mabuti ang litrato
ay halatang alam ni Angelica na nakatutok
ang camera sa kanya. At hindi basta
stolen shot dahil ang nasabing second
set of Angelica’s pictures ay
mga bilbil ang ibinabandera!

Before
and after photos of Angelica Panganiban
Katulad ng unang pagsambulat
ng mga emails sa aking inbox, hugos
na naman ang mga emails na laging
may attachment. Bale alawang sets
na ang pictures, kasama yung naunang
magandang kuha at ang pangalawang
pangit na kuha para maipag-kumpara.
Natural lang na bumaha
ng mga opinyon sa loob at labas ng
mga chat rooms at forum boards. May
ilan na nagtatanggol kay Angelica
at karamihan naman ay ang paglait
sa mga bilbil ni Angelica. And the
rest of the emailers ay walang kibo
sa umpisa pero nang lumaon ay nagsikibo
na rin. Isa lang ang malinaw, naguguluhan
ang lahat kung ano ang katotohanan
sa mga litratong yun ni Angelica.
Pinakamarami ang nanglalait.
Ang mga litrato raw ni Angelica sa
kalendaryo ay ginamitan ng airbrush
– ito ang pagretoke sa mga litrato.
Hindi lang ilan ang nag-email na ang
ginamit daw software sa pagretoke
ay Adobe Photoshop. In short, peke
ang magandang litrato at ang pangit
na litratong puro bilbil ang tunay.
Ayon naman sa ilang
defenders, ang mga pangit na litrato
ang ginamitan ng airbrush, puwedeng
Adobe Photoshop o Corel Draw. Definitely,
giit ng mga defenders ni Angelica,
ang mga pangit na litratong puro bilbil
ay hindi katawan ni Angelica. Kung
marunong kang gumamit ng nasabing
graphics software ay madali mong maikakabit
ang mukha ni Angelica sa ibang katawan.
At yung suot na damit ay maaari ring
ipatong sa katawang may bilbil. Again,
in short, ang pangit na katawan ay
hindi kay Angelica. Yan ang pagdidiin
ng mga kakampi ni Angelica Panganiban.
In my opinion, malaki
ang pagkakaiba ng katawan ng magandang
Angelica sa katawan ng pangit na Angelica.
In other words, hindi magkatugma ang
dalawang katawan at imposible namang
parehong kay Angelica ang nasabing
mga katawan. Kahit anong ipit ng paghinga
ay hindi liliit at hindi magiging
sexy ang katawan ng isang puro bilbil.
Sa sandaling pananahimik
ng inbox ko ay sumanggani ako sa isang
magaling na Adobe Photoshop artist.
Ipinadala ko sa kanya ang lahat ng
mga litratong galing sa mailbox ko,
yung mga maganda pati na yung mga
pangit. After a thorough analysis,
my artist friend emailed me her analysis.
Tama ang hinala ko na
ginamitan ng airbrush ang mga litrato.
Pero ayon sa kaibigan kong artist
ay ang pangit na litrato ang niretoke.
Ibig sabihin ay genuine at authentic
ang magandang pictures ni Angelica
Panganiban sa upcoming calendar ng
Ginebra San Miguel. Matapos kong ikalat
sa email ang findings ay agad nagbalikan
ang mga emails. Maraming natutuwa
na mapatunayang talagang sexy si Angelica.
Marami rin ang naiinis kung bakit
may gustong manira kay Angelica sa
pamamagitan ng mga bilbiling litrato.
Pero walang kumontra dahil alam nila
siguro kung gaano ka-powerful ang
mga graphics software ngayon.
Sa pagkalat ko ng balitang
yun ay lumutang ang nag-iisang opinion.
Siguro ay gustong mapag-usapan ng
husto ang nasabing calendar kaya sila
mismo ang nagpakalat ng pangit at
retokadong litrato ng bilbiling Angelica.
May isa pang emailer na nagdidiin
dahil may kilala raw siya sa mga taong
nag-shoot ng nasabing pictorial. To
blow up the issue, kailangan daw magkalat
ng konting intriga. At dahil napakadali
namang mag-retoke ng litrato ay naisip
nilang kunan ang isang babaeng may
bilbil na suot ang damit na ginamit
ni Angelica sa pictorial. Matapos
makunan ang bilbiling babae ay saka
ipinatong doon sa katawan niya ang
mukha ni Angelica. Presto, bilbiling
Angelica ang resulta.
Kung tutuusin ay walang
sapat na ebidensya ang aking mga sinasabi.
Pero sa pagkalat ng analysis namin
ay malinaw na naglaho na ang mga emails
tungkol dito. Wala nang banggit kay
Angelica sa mga chat rooms at forum
boards. Mukhang namatay na ang issue
dahil na-realize na ng lahat ang ginawang
pakulo sa mga litrato.
Pero palagay ko ay curious
pa rin ang mga tao sa paglabas ng
nasabing kalendaryo featuring Angelica
Panganiban. May kasabihan na A
Thing Of Beauty Is A Joy Forever kaya
tiyak ang pagtangkilik ng mga tao
sa kalendaryo ng GSM dahil kay Angelica
at hindi dahil sa mga litratong puro
bilbil. At kung ako ang tatanungin,
mas maigi pang yung mukha nung babaeng
bilbilin ang ikinabit nila sa katawan
ni Angelica. At least napaligaya nila
yung babaeng bilbilin, di ba?
Para sa mga reaksyon,
maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.