PAGING
MTRCB
Ni Tess Clarin
A few months
ago ay pumutok ang pangalan ni DJ Mo Twister,
isang dating kilalang DJ sa FM radio.
Kung matatandaan ay nawala sa eksena si
DJ Mo nang mag-abroad siya kasama si Janet
McBride, isang starlet na papasikat pa
lang. Nabalitang nag-abroad ang mag-sweetheart
para takasan ni DJ Mo ang kanyang obligation
sa kanyang love child.
Sa pagbabalik ni DJ Mo kailan
lang ay nakaisip siya ng gimmick na hindi
puwedeng hindi pansinin, hindi mo basta
dededmahin o palalampasin. Ipinakita ni
DJ MO ang isang classic gimmick na mahirap
pantayan.
Umaga ang radio program
ng pasaway na DJ sa FM radio pa rin. Bukod
sa selected songs ayon sa taste niya,
ang main event ng kanyang radio program
ay ang tinatawag niyang Forbidden
Questions portion kung saan nag-iinterview
siya ng celebrity. Base na rin sa pamagat
ng nasabing portion, forbidden ang mga
tanong kaya karamihan ng mga sagot ay
forbidden din.
Ang latest caper ni DJ Mo
ay ang interview niya kay Borgy Manotoc,
ang male model na anak ni Congresswoman
Imee Marcos at apo ng dating First Lady
Imelda Romualdez Marcos. Eto ang actual
transcription ng interview na yun.
DJ MO:
What's the size of your "wang"?
BORGY: Around 7 inches
Malulunok kaya ni MTRCB
Chair Consoliza La Guardia ang tanong
sa itaas? Very direct and blunt ang pagkakatanong.
Kahit si Joey De Leon ay maluluma sa pagka-prangka
dahil walang double-meaning man lang.
In other words, bulgar masyado. Siguro
hindi naman puwedeng sisihin ang guest
sa kanyang sagot dahil nagiging honest
lang siya kahit sabihing nagpapa-cute
siya.
At inamin pa raw ni Borgy
na siya ay circumcised. Kung sabagay hindi
naman bastos ang circumcision. Pero bastos
ang pagkakasabi ni Borgy na kung minsan
ay hindi siya nagsusuot ng underwear.
Looking closer, parang mga bakla yata
ang target audience ng radio program ni
DJ Mo kapag male celebrity ang guest niya.
DJ MO:
When was the last time you masturbated?
BORGY: No, not this morning....yesterday
morning at the shower....it' s a good
thing to do when you woke up and your
girlfriend is not around.
Kung ilalagay natin sa movie
ang tanong at sagot sa itaas ay tiyak
na mag-iinit ang upuan ng mga taga-MTRCB.
O kung sa primetime TV natin ilagay malamang
na masisibak ang TV program. Yan ang tinatawag
na explicit ang words, walang double meaning
at straight to the point. Kaya pag bastos
ang salita eh bastos na nga talaga.
DJ MO:
"Dude, we all know you're gay, admit
it!" (who are you going to tell this
to?)
BORGY: Sam Milby!
DJ Mo:
Worst-dressed celebrity?
Borgy: Gwen Garci
Walang kaso kung magalit
si Sam Milby at si Gwen Garci dahil ang
tanong ay kung ano ang palagay ni Borgy.
Bale opinion lang naman ni Borgy na bading
si Sam at pangit manamit si Gwen. Pero
itong kasunod na tanong ay salungat na
naman sa hilatsa ng pagiging disente.
DJ MO:
Who's better in bed? ex-gf Sarah Meier
(former MTV-Asia VJ) or his current gf,
model Ornusa Cadness?
BORGY: Ornusa
As politicians say, keep
your private life private. Bukod sa hindi
kailangang ipagsabi ang mga nangyayari
sa loob ng iyong kuwarto, hindi dapat
ipagyabang ang mga ginagawa mo sa iyong
kama. Mahirap isipin na ang radyo ay isang
open media na puwedeng mapakinggan ng
kahit sino. Can you imagine kung sakaling
nakikinig ang iyong anak na 5 years old?
Mabuti kung tatawa siya. Eh kung maging
seryoso ang mukha ng anak mo?
DJ MO:
Celebrity you don't wanna work with?
BORGY: aside from my
brother (TJ).....Christian Bautista
DJ MO:
Celebrity who you think had gone under
the knife/enhancement/ retoke?
BORGY: Pops Fernandez
DJ MO:
Name a model who doesn't look like one?
BORGY: Robbie Mananquil
Ang mga tanungan at sagutan
sa itaas ay masasabing tama lang sa isang
talk show lalo na kung showbiz ang tema.
May halong pang-intriga pero kahit paano
ay disente pa rin ang dating. Walang masama
kung pag-awayin ng interviewer ang kanyang
guest at ang mga celebrities na pinangalanan.
Natural naman ang ganyan sa mga sikat,
di ba? Pero itong kasunod na mga tanong
ay hindi na natural.
DJ Mo:
Weirdest place you have done it with someone?
Borgy: In a photo studio,
in between shoots/ while changing wardrobe
DJ Mo:
Name 3 celebrities you did it with before?
Borgy: 1. Lana Assanin,
Victoria London, and… Vina Morales.
Yan ang issue na ipinagpuputok
ng butse ni Vina Morales. Pabulong daw
na sinabi ni Borgy ang pangalan ni Vina,
halos hindi marinig sa radyo kaya si DJ
MO ang nagbulalas ng pangalan ni Vina
bilang pangatlong babae sa listahan ni
Borgy. Lumilitaw sa tanong at sagot na
si Vina ay naka-sex na ni Borgy. Sa huling
interview ni Vina sa TV ay mag-dedemanda
raw siya kapag hindi humingi ng apology
si Borgy. Public apology ang gusto ni
Vina.
(Note: Aksidenteng nagtagpo
sa Greenbelt si Vina at si Borgy. Tinotoo
ni Vina ang banta niyang pagsampal. According
to Ricky Lo (of Philippine Star), nagdugo
raw ang bibig ni Borgy sa lakas ng sampal
ni Vina. Pero bago maghiwalay ay nagkaayos
naman ang dalawa.)
Si Lana Asanin naman ay
hindi masyadong apektado sa issue dahil
matagal na siyang nasa abroad. Pero nag-email
pa rin siya ng reaction para pabulaanan
ang mga sinabi ni Borgy: haha he is such
a liar!! he wasnt 15 at that time at all.it
cant be coz it would have been 8 years
i was living there and that’s not
true.i only lived in manila for less then
5 years.so you see he lies to get attention.
i wish i was there i would put him on
the spot.
Marami na ang nagagalit
kay DJ Mo. Andyan si Lolit Solis, si Cristy
Fermin at iba pang mga reporters at talent
managers. Pero kung susuriin natin ay
mukhang gimmick din ang galit nila. In
other words, nakikisakay din sila sa issue
ni DJ Mo. In fact, naging guest din ni
DJ Mo si Lolit Solis. And after that guesting,
no bad blood daw kay Manay Lolit. Ano
yun? Eto pa nga, sa All Star K ng GMA-7
ay magkatuwang na K Lers si DJ Mo at Lolit
Solis. Eh di gimmick nga!
By the way, ang unang issue
against DJ Mo sa kanyang controversial
na radio program ay ang pag-guesting ni
JAY-R. Sa tanong daw na kung sino sa tingin
ni Jay-R ang mga closet gay ay isinagot
ng kalbong singer ang name ni Raymond
Gutierrez, ang twin brother ni Aguiluz.
Asahan na bumubula ang bibig ng butihing
mother na si Annabelle Rama. Pati si Richard
Gutierrez ay nagsalita na pero hindi siya
nagbanta at sinabi pa niyang wala na yun
basta wag na lang palakihin pa ang issue.
Siyempre masakit marinig na pagbintangang
bakla ang kapatid mo. Lalo na siguro kung
totoo!
Normal lang sa showbiz ang
maging controversial para makahatak ng
attention. Pero hindi na normal ang maging
bulgar at bastos. Hanggang ngayon ay wala
pang reaction ang MTRCB tungkol sa pasaway
na Forbidden Questions
segment ng radio program ni DJ Mo. May
nagsasabi tuloy na baka enjoy sa pakikinig
si MTRCB Chair!
But in fairness, let’s
give credit to DJ Mo Twister na talaga
sigurong twisted ang utak dahil magaling
siyang mag-isip ng gimick na nababago
at naiiba. Kung mali ang ginagawa niya
ay may kamalian din ang kanyang mga guest
dahil puwede naman silang hindi sumagot
kahit pilitin pa sila. At puwede naman
silang magbigay ng disenteng sagot kung
gugustuhin nila. Pero dahil nakisakay
sila sa kalokohang tanong ng interviewer
kaya mukhang mas malaki ang kasalanan
ng mga guest. Isa pa, malaking ingay ang
nagawa ni DJ Mo sa showbiz. At least hindi
na mga hiwalayan at mga awayan ang balita
dahil natabunan sila ng mga issues against
DJ Mo.
Maiisip mo tuloy na sana
ay wag na ngang mag-react ang MTRCB dahil
kahit paano ay bagong entertainment ang
naibibigay ng mga kalokohang tanong sa
Forbidden Questions. Para kay
DJ Mo Twister, keep up the good work pero
bawasan mo ang pagiging bulgar para magtagal
ka pa.
Para sa mga reaksyon,
maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.