Wala Na Ang Panday
By Donna Alfonso Seneca
 
     
 

kahapon nabasa ko, naospital ang idol ko
"diyos ko", aking sambit, "pagalingin mo sya"
kaninang umaga
bumulaga sa aking mukha
unang pahina sa bunganga
"patay na siya"

ewan ko ba
tumulo ang luha ko
pati sinus ko sumakit
gusto kong sumigaw sa Buckingham
"Wala na ang Panday!"

ang sakit sa dibdib
parang pangarap na naglaho
may maling nangyari sa Bayan ko
kailangan namin ng hustisya
pero wala na ang mapagkumbabang superhero
yumao na ang idol ko

-----------------
<DAlfonsoSeneca@visto.com>  

 
     
 
« BACK
 
     
 
 
     
Copyright © 2004 by Film Academy of the Philippines (FAP). All Rights Reserved